Ibahagi ang pahinang ito sa mga Kaibigan

 
   
Ang Katotohanan sa Likod ng Inyong Pagkain

Ni Kapatid Hui-Ming Toh, Auckland, New Zealand
(Ang orihinal sa Inglis)

Magbubukas ka ba ng iyong refrigerator, kukuha ng dalampung plato ng pasta, iwaksi ito sa imbakan, at pagkatapos, kumain lamang ng isang plato ng pagkain? Ano naman ang magpapatag ng limampu’t limang kuwadradong talampakan ng kagubatan para sa isang tanghalian o magtapon ng dalawang libo limang daang galon ng tubig sa kanal? Siyempre hindi mo gagawin ito. Subalit, ang pagkain lamang ng kalahating kilo ng karne ay magiging sanhi nito. Ang pagkain ng karne ay magiging sanhi ng di-maayos na paggamit at pagkasira ng ating mga kayamanan at ng kalikasan, magdudulot ng matinding paghihirap ng mga hayop, at magkakaroon ng masamang epekto sa ating kalusugan. Kaya, kung ang pag-iihaw ng aso upang ipares sa iyong nilagang patatas ay nakakadisturbo sa iyo, kung gayon bakit mag-ihaw pa ng iba pang maamong hayop?
Tapunang Lawa:
Ang Circle Four Farms, isang nakabase sa Utah na nagpoprodukto ng baboy, ay may isang tatlong-milyong galon na tapunang lawa. Kung ang mga gaya nitong mga lawa ay aapaw sa mga ilog at mga lawa gaya ng nangyari sa North Carolina noong 1995, maaring magresulta ito ng kapahamakan sa kalikasan.

Ang isang ulat ng UN ay kinilala na ang “mga baka at hindi mga sasakyan, ay ang pinakabanta sa ating kalikasan.” Nagbibigay ito ng ibedensiya na ang mabilisang pagdami ng mga baka sa mundo ay ang pinakamalaking banta sa klima, mga kagubatan at mga buhay sa ilang. Ang mga hayop na binubuhay sa bukid ay naglilikha ng isang-daan-at-tatlumpung beses karaming dumi ikumpara sa buong populasyon ng mga tao sa Estados Unidos at ang pinagsamang duming ito ay nakakarumi sa tubig, nakakasira sa pang-ibabaw na lupa, at nakakarumi sa ating hangin. Dagdag pa rito, ang gas mula sa kanilang mga katawan at mga dumi ay nagpapalabas ng mahigit sa ikatlong bahagi ng methane, na nagpapa-init sa mundo ng mas mabilis sa dalawampung beses keysa carbon dioxide. Ang mga kumakain ng karne ay siyang dahilan sa pagkakaroon ng siyento por siyento sa mga duming ito na tinatayang aabot sa walumpu’t-anim-na libong libras kada segundo. Subalit, ang hindi na paggamit sa mga produktong hayop, ay mawawala ang iyong pananagutan sa alinmang ito.

Higit pa rito, ang ating panlasa sa karne ay nakakasira sa ating panustus sa hindi-naibabalik na mga kayamanan. Isang gimugibang dalawang libo-limang daang galon ng tubig ang kailangan sa pagprodukto ng bawat libra ng karneng baka, ngunit, sa pagkakaiba, kailangan lamang ng dalawampu’t siyam na galon ng tubig upang magprodukto ng isang libra ng kamatis at isang daan-at-tatlumpong galon para sa isang libra ng tinapay na trigo. Kalahati sa tubig, walumpung porsiyento ng mga lupang pansakahan sa Estados Unidos, halos lahat ng aning soy bean at mahigit kalahati sa mga aning butil sa mundo ay ginagamit sa pagbuhay ng mga hayop para kainin. Habang ginagawa natin ito, isang bilyong tao ang nagdurusa dahil sa gutom at malnutrisyon at dalawampu’t-apat-na libong bata ang namamatay araw-araw sa tabi ng sakahan ng mga butil na nakalaan para sa mga hayop sa Kanluran. Subalit, ang gutom sa mundo ay maaaring mawala kung ang ating kakaunting yamang lupa ay ginamit ng tama sa pagtatanim na ipapakain sa mga tao.

Mga Biktima ng Gutom sa Somalia
Ang mga biktima ng gutom sa Somalia ay nakahanay upang tumanggap ng rasyong pagkain. Ang pagpuprodukto ng isang libra ng karne ng baka ay nangangailangan ng 4.8 libra ng butil, at ang mga kritiko sa ating makabagong sistema ng pagsasaka ay nagsasabing ang pagkalat ng mga pagkaing nakabase sa karne ay nagpapalubha sa pandaigdigang gutom.

Alam mo ba na isang daan-at-tatlumpung milyong hayop ang kinakatay sa New Zealand taon-taon? Karamihan sa mga hayop ay binubuhay sa mga factory farms, ang sistemang naglalayong paramihin ang produkto sa pinakamababang gastos. Ang resulta nito, ang mga hayop ay nagdurusa ng matinding sakit sa pag-iisip at sa katawan sa bawat segundo ng kanilang buhay. Sila ay pinagsisiksik sa mabaho walang bintanang kulungang sistema at hindi sila makabuo ng pamilya, kumain sa lupa o gumawa ng anumang natural para sa kanila. Ni hindi nila maramdaman ang araw sa kanilang likuran o lumanghap ng preskong hangin hanggang sa araw na sila ay isakay sa mga trak, patungong ihawan. Mahigit siyamnapung milyong hayop sa New Zealand ang nagtitiis sa ganitong kondisyon at marami ang nananatiling gising sa paggilit ng kanilang liig, pagkatapos, hinahayaang mamatay.


Isa pang malupit na karaniwang ginagawa ng mga magsasaka ay ang hindi pagpapakain sa mga manok sa loob ng labing-apat na araw upang pilitin ang kanilang mga katawan na umitlog ng mas marami para sa pagkain ng mga tao. At, dahil ang mga lalaking sisiw ay walang gamit sa industriya ng itlog, bawat taon isang daang milyon sa kanila ay ginigiling ng buhay o tinatapon sa mga sako upang mamatay. May dagdag pa, sa ihawan, ang mga liig ng manok ay pinuputol, at sila’y inilulublob sa kumukulong tubig upang maalis ang kanilang mga balahibo habang marami sa kanila ay buhay pa.

Kahit sa mga araw na ito, sa pagmamarka sa mga baka upang makilala, pinapaso ng mga ransero ng nagbabagang bakal ang kanilang mga laman habang sila ay umaatungal sa sakit. Samakatuwid, nagkakaroon sila ng matinding paso at ang mga bayag ng lalaking baka ay tinatanggal sa kanila ng walang pamatay-sakit. Dagdag pa sa kanilang paghihirap, ang mga lupain kung saan sila kumakain ng damo ay puno ng mga kemikal ang hangin at ito ay sanhi ng mga problema sa paghinga, kung gayon nagiging masakit ang paghinga.

Ang mga inahing baka na pinagkukunan ng gatas ay panay na binubuntis at ang kanilang anak inilalayo sa kanila upang ang mga tao ang makainom ng gatas na para sana sa mga anak nila. Ikinakabit sila sa mga makina ilang beses isang araw at sa pamamagitan ng pagmamanipula ng lahi, ng matinding hormone, at panay na paggatas, sila’y napipilitang magprodukto ng sampung beses karami pang gatas keysa karaniwan. Ito ay nagiging sanhi ng matinding pananakit ng kanilang mga suso kung saan hanggang sa limampung porsiyento sa mga baka ang dumaranas nito.

Ang mga hayop sa mga factory farms sa ngayon ay walang legal na proteksiyon laban sa kalupitan na ilegal sana kung ito ay isinasagawa sa mga alagang bahay: ang pagpapabaya, paghihiwa-hiwa, ang pagmamanipula ng lahi, at mga programang droga na sanhi ng matinding sakit at pagkalumpo at, marahas na pagkatay. Si Robert Louis Stevenson, isang nobelista at makata ay nagsabi, “Kinakain natin ang mga laman ng mga nilalang na ang panlasa, ang pakiramdam at mga parte ng katawan ay kahalintulad sa atin.” Subalit ang mga hayop na nasa farm ay kasing talino o nakakaramdam ng sakit na gaya rin ng mga aso at mga pusa na pinapahalagahan natin bilang mga kasama.

Ito ay inilalarawan ng madalas na mga ulat tungkol sa mga bakang tumatalon sa mahigit anim na talampakang bakod upang tumakas sa pagkakatay, naglakad ng pitong milya upang makasamang muli ang isang guya at lumangoy patawid sa isang ilog tungo sa kalayaan. Ang mga baboy, rin, ay mga hayop na may katalasan ang pang-unawa ayon sa nadiskobre ni Dr. Donald Broom, siyentipikong tagapayo sa pamahalaang British – “[Ang mga baboy] ay may kakayahang makakilala na maging masalimuot. Mas higit pa keysa mga aso at sa mga batang tatlong taon.”

Ang pinakamahalagang hakbang na iyong magagawa upang maligtas ang ating planeta at maibsan ang paghihirap ng tao at hayop ay ang pagiging makagulay. Ang isang pagkaing walang karne na mayaman sa carbohydrates, protina, fiber, omega-three, mga bitamina at mga mineral ay nagbibigay ng sapat na nutrisyon, bumubuo ng pundasyon para sa pagkaing kaugalian na sumusuporta sa panghabangbuhay na kalusugan. Mga ebidensiyang nagpapatunay ay matatagpuan sa aklat na “The China Study” ni Professor T. Colin Campbell na nagsasabing, “sa susunod na sampung taon, isa sa mga bagay na maririnig mo ay ang protina mula sa hayop ang pinaka-nakalalasong nutrino sa lahat… ang panganib sa sakit ay umaakyat ng mabilis kung kahit na isang maliit na protina mula sa hayop ay nahalo sa pagkain.” Ang mga pagsusuri ay nagpakita na ang mga batang makagulay ay may mas mataas na IQ keysa mga kaklase nila at ang mga makagulay ay nabubuhay sa karaniwan, ng anim hanggang sampung taon mas mahaba keysa sa mga kumakain ng karne. Dagdag pa dito, sila ay limampung porsiyente na hindi magkakasakit sa puso at ng kanser, at dagdag pa, ang mga kumakain ng karne ay siyam na beses na maaaring maging mataba keysa mga makagulay. Ang mga makagulay na pagkain ay nagbibigay sa atin ng lahat ng kailangang nutrino, na walang taba, kolesterol at mga sangkap na nakakasira.

Gayunpaman, marami ang nangangatwiran na ang mga halaman ay may buhay din. Totoo ito, subalit ang mga halaman ay mayroon lamang sampung porsiyentong kamalayan habang ang mga hayop ay may kamalayang katumbas ng mga tao. Dahil ang mga halaman ay hindi nakagagalaw, ang pakiramdam sa sakit ay sobra. Kung kaya, ang mga halaman ay sadyang lubos na magkaiba ang pisyolohiya mula sa mga hayop na nagpapasuso. Kung puputulin mo ang sanga o mga dahon mula sa isang kahoy, ito ay lalago pa. Sa kabilang banda, ang mga hayop ay hindi ayon sa regular na pagpuputol ng parte ng katawan. Maari mo bang putulin ang isang paa ng baka at maghintay na tubuan pa ng apat na paa?

Ang pag-aalaga ng mga hayop upang kainin ay nagdudulot ng pagkawasak sa Daigdig. Ang kalikasan, kayamanan at ang ating kalusugan ay humihina at kahit na karamihan sa atin ay hindi aktibong pinapatawad ang pagpatay, ang mga tao ay nagkaroon ng kaugalian, na inayunan ng lipunan, sa pagkain ng karne na walang tunay na kaalam-alam kung ano ang tunay na nangyayari sa mga hayop na kinain natin. Sinasabi na, “ang isang pagbisita sa ihawan ay gagawa sa iyong maging makagulay habang buhay. Dahil tayo ang may gawa ng mga sigaw nila dahil sa sakit at takot.” Kaya, kung makapagpasya ka na ihawin ang isang mabait na hayop uli… alalahanin na kinakain mo ang laman ng isang katumbas ng iyong pinakamamahal na mga alaga. Subalit, ang kaibahan lamang na ang hayop na ito ay pinahirapan.

May maraming nakapanghihilakbot na mga larawan sa mga sumusunod na websites:
http://www.goveg.com/photos.asp
http://www.viva.org.uk/photogallery/galleryindex.htm

Pakihanap sa mga pandaigdig na mapa sa resulta sa kalikasan ng pag-aalaga ng malalaking hayop sa mga sumusunod na kaugnayan:
http://www.virtualcentre.org/en/library/key_pub/longshad/a0701e/A0701E09a.pdf

Mga kagubatan – ang mga berdeng baga ng Daigdig Ang pagsusunog sa mga kagubatan ay sumisira sa isang natural na sistema ng kalikasan.

Itong nasunog at bakanteng tanawin
ay ang halaga ng kakaunting hamburger!

* Ang may-akda ay isang 17-anyos na estudyante sa kanyang katapusang taon sa sekondarya. Ang artikulo ay isang panloob na pag-aaral kung siya ay ginawaran ng pinakamataas na marka ng kagalingan.

Ibahagi ang pahinang ito sa mga Kaibigan.